1. Comet
2. Jom Deo Duriseo
3. Cheosnune
4. Touch
5. Han Usan Arae
6. Soneul Jabgoseo
7. If
8. Naerido Margeun Haneurcheoreom
9. Yaksok
10. Haebaragi
11. Paranbit Remon
12. Orenji Cheossarang
13. Chueogeun Areumdaun
14. Comet -instrumental-
15. Cheosnune -instrumental-
1. Comet (hyesong) (rockish ^^)- okay simula tayo d2, Comet, sa d nakaka alam, etong kanta na ito ay ang korean version ng kanta ni younha na Houkiboshi - ang isa sa mga Ending theme ng sikat na anime na Bleach at ito ang kantang todo nagpasikat kay younha sa mga unang taon ng career nya sa Japan. Kung narining nyo na yun japanese version, wala naman maxadong pagbabago sa kanta syempre lyrics naging korean dba? pero kung sound ang pag babasihan mas naging pansinin lang ang mga tunog ng gitara at drums kesa ung piano, d tulad sa houkiboshi na talagang yung sound ng piano yung ini-emphasize. Mas naging malakas din ung recording nila nung sound ng buong song kesa sa houkiboshi cguro nga dahil gawa nung mas rock sound. Kung sa boses ni Younha, talagang malaki ang pagbabago mas naging deep na yung boses nya at d katulad dun sa houkiboshi na talagang maririning mo ang boses ng isang 17 years old (sa unang Korean album palang nya rinig na...cguro kasi nagmature na sya..)
Rating: 8/10
2. Jom Deo Duriseo (pop) - o motto futari de sa japanese, sa mga d pa nakakarining nito, eto ang third single na nilabas ni younha matapos ang fame ng houkiboshi. Sa japan d to maxadong nagchart, saking pananaw d sya maxado na promote, pero may MV sya at masasabi kong pinagkagastusan naman. Punta tayo dun sa Korean version, after nyong makinig sa kanta...pag kinompare sa motto futari de..mas gugustuhin nyo ung japanese version dahil sa korean version ang mga lyrics ay parang ganito- bilisan mo kailangan mong pagkasyahin ang korean words sa japanese words malapit na ang susunod na verse..gets nyo?..mabilis na nga ung motto futari de parang mas pinabilis pa ung korean ver. lalo na ung sa part ng chorus parang naghahabol c younha lagi. Pero ayos naman sya..ung ngalang d tulad nung motto futari de na iba, iba ang mga words every verse, sa kor. version paulit ulit halos ung lyrics.
Rating: 6/10
3. Cheosnune (ballad)- o Hatsuyuki "daw" according to internet source, sa japanese version. Ang kanta na ito ang nag iisang bago at wala sa dating Go! Younha. Eto naman, mai ko-compara ko sya sa kanta nyang "I Cry", sa una nyang Korean Album. Sa unang verse walang masyadong instruments na gumagana tapos onti onti cilang nag ple-play at lumalakas habang nag proprogress yung kanta mula first chorus. Isa to sa mga paborito kong kanta sa Album pero kung mahilig kang makinig ng mga madramang kanta ng mga koreano masasabi mong hindi sya unique sounding parang bang pag narinig mo eto sasabihin mo "parang may katunog o katono tong kanta nato". Sabi nung ibang nag review nito typical korean song daw sya. Kung boses ni younha pag uusapan, speechless.
Rating: 8/10
4. Touch (pop) - Touch din ang title nya sa Japanese. Ang kanta na ito ay revived lang ni Younha d ko lang lam kung sino original pero ginamit syang OST noon ng anime tapos etong version ni younha naito ay ginamit na OST ng Live-action movie nung anime. Sa totoo lang etong kanta nato ayoko noon kaya hindi ko maxadong pinakikinggan, pero nung narining ko yung kor. ver. nagandahan ako, kaya hinid ko masasabi ngayon na mas maganda ung korean version. Pero para lang ma review ko sya, eto, parehas na parehas cla halos sa sound, ang napansin ko lang yung huling word sa chorus sa kor.ver. masmahaba yung pitch ,kung tama man ako, kesa sa japanes version. Mapapasyaw ka d2 at nakaka addict yung salitang touch pulit-ulit sa utak mo. As usual maganda parin ang boses ni Younha d2.
Rating: 7/10
5. HanUsan Arae - o Aiaigasa sa japanese. Sa japanese eto isa sa favorite kong kanta pero sa korean hindi, hindi ko kasi maxadong na feel yung na feel ko (kung ano man un) nung narining ko sya ng japanese. Ang masasabi ko lang parang nangyari sakanya ung nangyari din sa motto futari de. Nandoon parin naman ung maypagka mysterious sound nung song lalo na sa unang verse, pero bland ung kanta.
Rating: 6/10
6. Soneul Jabgoseo - o Te wo tsunaide. Wala akong masyadong masabi dito kasi wala rin naman syang ganong pinagkaiba sa japanese version tulad ng touch, lyrics lang. Pero kung voice ni Younha pagbabasihan d2 ko sya masyadong gusto lalo na pagkinakanta nya na yung chorus para kasing hirap sya eh at d ko rin nakikita na bagay sa kanay ung kanta noon pa man sa japanese.
Rating: 5/10
7. If - If, din sya sa japanese. Isa sa mga laidback na kanta ni younha na gustong gusto ko. FYI nga pala, etong song na ito ay talagang Korean in origin na ginawa nyang japanese nung nasa japan sya tas ngayong nagbabalik ulit bilang korean sya ay isa sa mga unang kanta ni younha sunod sa yubikiri (yaksok) na ni record nya nung bago sya nagsimula sa japan meaning nasa korea pa sya nito, cguro mga 16 years old lang sya. Maganda ung cmula nung kanta saka yung instrumental nung bago mag second verse. Parehas sila nung jap.ver. na akak relax.
Rating: 9/10
8. Naerido Margeun Haneurcheoreom - o Ashita Tenki ne nare, katulad nung motto futari de at aiaigasa, parang minadali din ang kanta na ito, masgugustuhin mo ung japanese kesa etong korean version, parang isa sya sa mga kantang d maxadong pinagtuunan ng pansin ng irecord, parang ganito "cge record lang ng record" kasi bland sya, na hindi mo na nga naiintindihan ung lyrics d mo pa masyadong appreciate yung sound man lang dtulad sa japanese in short d fit ang korean words dun sa kanta, hindi tulad sa jap na pag narinig mo bibigyan mo ng second chance. Still, younha's voice was very good.
Rating: 5/10
9. Yaksok - o Yubikiri, isa sa pinakamagandang kanta sa album, sunod sa comet.Siguro kung may dapat syang i promote na kanta na susunod sa hyesong eto dapat. Nasabi ko nga kanina sa 'If" eto ang pinaka unang kanta ni Younha na promoted through album nung nasa korea palang sya, hindi sya gaanong sumikat sa japan as debut single nya. Kaya ngayon sana mabigyan ng chance kasi maganda talaga sya. Sa untro masarap na sa tenga yung tunog nung gitara kahit hindi dya unique sounding. isa sa gustong gusto ko sa kanta yung bridge kung saan jkintankinta mo yung napaka strong na voice n younha.
Rating: 10/10
10. Haebaragi - o Himawari, parang touch at te wo tsunaide, walang masyadong pinagbago. Pero mas kapakipakinig saya kesa sa mga minadaling kanta na nabanggit ko kanina, although parang isa rin sya sa mga "record lang ng record" type ng kanta sa album, gusto parin sya kasi catchy, lalo na yung intro.
Rating: 6/10
11. Paranbit Lemon - o Aoi Lemon, ayos lang tong kanta nato kaso nakakasawa sa huli kasi maxadong mahaba ung kanta at parang paulit ulit na yung lyrics. Saka kasi parang nakaka distract ng concentration mo sa pakikinig ung word na Lemon..ewan ko ba bat na didistract ako dun. Pero ayos naman sya maganda ung tunog at relaxing. MAs gusto ko sya kesa japanese version kasi sa japanese version ung boses ni Younah masyadong deep na minsan parang lalaki o may edad na yung naririning mong mong kumakanta.
Rating: 7/10
12. Orenji Cheossarang - o Orange no Hatsukoi, again, isa sa mga kantang kalipat lipat, parang isang verse at chorus lang ililipat mo na kasi maiisip mo kagad na magiging ganun na yung sound all the way. Same goes dun sa mga "recod lang ng record" d cla memorable na kanta ni younha pero masasabi mong nasa album cla at c younha ang kumanta.
Rating: 5/10
13. Chueogeun Areumdaun - o Omoide ni Dekinai, isa ulit sa gusto kong kanta sa japanese version pero ayoko sa korean version. Isa na naman sa kantang pinagkasya ang korean words sa japanese words, na minsan parang nawawala na sa sound nung kanta yung mga words.
Rating: 7/10
14. Comet -instrumental-
15. Cheosnune -instrumental-
Over all rating: 7/10