Disable Language Filter
10-May-2008 Umaasa pa rin nga ba?

Ilang beses na akong nasaktan, pero tila ako'y umaasa pa rin. Pag-asa o umaasa? May kaibahan ba?

Umaasang sana'y magkamali siya at sa'kin maipadala ang isang espesyal na mensahe. Umaasang ako'y kanyang maalala, kahit isang simpleng pagbati ng "magandang umaga", "magandang hapon" o "magandang gabi." Bawat araw ay umaasang siya'y magparamdam upang mamutawing muli ang mga ngiti sa aking labi. Ngunt tila hanggang umasa na lang ang kaya kong gawin.

Ako'y umaasa lamang sa wala, matagal ko nang alam yan. Kailan ma'y hindi na magkukrus ang aming mga landas.. Napaka-imposible. Pero heto pa rin ako, patuloy na umaasa. Sa paglipas ng mga araw, siya ang laging laman ng isipan. Nakakainis.

Naaasar ako sa aking sarili.
Naaasar ako sa kakaibang ikinikilos ko. Hangga't maaari, ayokong malaman ng iba dahil paniguradong malalaman din niya. Subalit hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman. Gaya ngayon, ang aking isinusulat ay patungkol na naman sa kanya. Nakakainis..

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako aasa. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang kabaliwang ito. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, hindi ko alam kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito. Hindi ko talaga alam..

Parang alon na taas-baba ang aking nararamdaman. Ngunit, ayoko nang umasa, ayoko nang masaktan.. Ayoko na, ayoko na..

Posted by ubehalaya on 2008-05-10 12:11:08 | Rating: n/a | Views: 30


Comments

Nothing found


Add Comment




Navigation
Login | Sign Up


ubehalaya
Quezon City, Philippines

Latest Posts
1.  10-May-2008 Umaasa pa rin nga ba? (2008-05-10 12:11:08)  
2.  09-May-2008 Who am I? (2008-05-09 08:11:55)  
3.  Still him?! *waaah!* (2008-05-07 03:32:42)  
4.  My first blog here.. (2008-05-06 13:13:47)  

Blog Categories
Nothing found

Blog Archive
1.  May 2008 (4)  

Comment Archive
No comments found


Author's Links
No Links Found

Quick Links
ubehalaya's Photos
ubehalaya's Podcasts
ubehalaya's Videos
ubehalaya's Surveys
Average Rating
No Ratings

 
 

page load time: 0.47529911994934