Sign Up |  Login

     
 
    My Blog |  Popular Posts |  Top 100 Blogs |  Recent Blogs |  Random Blogs |  Write a Blog |  Manage Categories  
   View Blog
 
 stupidity: softball trauma rama

Lecheng softball. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang akong sinasabotahe ng kapalaran kapag nasa field na ko at supposedly nag-eenjoy sa paglalaro nito. Pero wala, parang kungbaga sa anime.. ako si Sakuragi sa palpak na paglalaro ng basketball.. Hindi ko lang alam kung tatawagin ko din bang henyo ang sarili ko.. Pero salamat na rin sa mga kaibigang nag chi-cheer pa rin sakin kahit puro kapalpakan ang pinaggagagawa koh..

First Try-out
No.1 :
*Sa try-out ng pagpalo ng bola, wala man lang akong natamaan kahit isa..

No.2 :
*Hindi kagad tumakbo sa first base kasi nabibigla na lang ako sa mga pangyayari..

No.3 :
*Kelangang maka home run. Tamang-tama para makaiscore..! pero dahil sa sobrang na excite ata ako..  katangahan, hindi ko nakita yung 3rd base.. so basically, nagshortcut ako hanggang sa makatapak sa home base..

No.4 :
*kaya ayun, nagkaroon ng isang out yung team namin..

"a.j. bakit ka nagsho-shortcut?" ang salubong nila sa akin nung pabalik na ko sa bench ng team.. pati student teacher namin.. natatawa sakin..

Second try-out
No.5 :
*Nagpahuli akong pumalo ng bola kasi nga natrauma na ko sa paglalaro dahil sa nangyari nung first try-out..

ang sabi ko, "Lord.. parang awa niyo nah.. kailangan galingan ko.. kailangan.. kailangan.. kailangan."

"hoy!! batter!! pakibilis.. sino pa bang hindi pumapalo..???", sigaw nung student teacher ko..

"A.J. ikaw na!!" pang gigising ng mga kaklase ko sa diwa kong lumilipad sa alapaap..

Lumakad ako papunta dun sa dapat tayuan para makapag bat ng bola. Sabay huminga ng malalim.




"okay, A.J. This is it.. Focus.. Tingin sa bola.. Tamaan mo.. Ready..!!"

Palo. Okay, tinamaan sa umpisa.. kaso lumabas ang bola..
Balik sa pwesto. Focus. Yon! Tinamaan.. Pero dahil napalakas..

"Go AJ.. Go!! Takbo!!"

Naririnig ko pa yung sigaw nila para sakin.. Pero.. Bakit wala na kong lakas para tumakbo..

Ayoko... Ayoko ng mapahiya..

Pero.. bakit ganun..

"Hala.. Anong nangyari kay A.J." narinig ko na lang...

Tumumba ako at napaluhod.. Nanghihina ako..
Pero kelangan tumayo.. Kelangang makapunta ko sa first base.. Anak ng Tinapa.!!! Salamat sa pagkakalikha ng dalawang palad ko.. Push the soil.. Try harder. Stand Up. Pero masyado ko yatang naibuhos lahat ng lakas ko sa pagpalo ng bola kanina.. Wala na atang lakas n natira sakin.. Pero sa konting Motivation at kahihiyan.. Kelangang lumaban. dahil sa pangalawang pagkakataon.. natumba kong muli at nawalan ng panimbang.. na halos parang kulang na lang gapangin ko ang lupa para marating ko lang ung pinakakapitagang first base na yun..
..pero, laking himala.. natamo ko ang pinakakaasam kong unang base sa laro ng pinakakinaaayawan kong sports ngayon..SAVE!

Pagkatapos ng mga pangyayaring ito.. SANA HINIMATAY NA LANG AKO..


February 12, 2008

"Hi A.J.!!" salubong ng mga kaklase ko sakin..

Shit yun pala may masama silang balita..

"Kasali ka sa team na lalaban sa ibang section, A.J."

"@!#@%$, wala namang ganyang biruan..parang awa niyo na.. putek! pang labing apat ako sa listahan.."

"oo, labinlima lang naman kelangan eh.. si Me-ann pang 15, team captain natin.."

"Is this for real?"



...sana hindi na dumating ang tuesday..
...sana bumagyo..
...sana may ibang pumalit sakin..
...sana magkasakit ako..
...sana..
...sana..
...sana..


WHOA!!!! NAIIYAK NA KO..


pwede bang patayin niyo na lang ako..


February 19, 2008 will probably my worst nightmare..


    Posted by shigatsu_no_hibi on 2008-02-12 10:00:48 | Rating: | Views: 53
    Email This to a Friend            Print This Blog Post  

  Bookmark:
Permalink:  
   Blog Comments

Nothing found
Would you like to comment?

    (Maximum characters: 5000)
    You have characters left.
  
  Security code:  
                        
                         Refresh Image
                         
  Blog Information
 

shigatsu_no_hibi
Philippines

Latest Posts

 I'm craving for...
 assignment to sa...
 stupidity: softball...
 anathema that is..
 A poem she made just...

shigatsu_no_hibi's Links

 my...

Blog Categories

 Nothing found

Blog Archive

 February 2008 (6)

Comment Archives

 No comments found