| View Blog
|
|
|
|
| Tula para sa isang kaibigan |
Si Ricky ay isang mabuting kaibigan
Handang tumulong kapag ikaw ay nangailangan.
Mapagmahal na kapatid at anak sa ina
Busilak ang puso, parang gintong mina.
Matangkad, matalino at charming
Kaya naman habulin pati ng bading.
Promdi sya pero astig ang dating
Pero pag nakilala mo sya maganda naman pala ang breeding.
May hidden talent – magaling kumanta
Pag may videoke ok lang kahit abutin hanggang umaga.
Matakaw pero di naman tumataba
Mabilis ang metabolism o baka may alagang anaconda.
Paboritong topic kung hindi booger ay fart
Ewan ko ba sa kanya, para sa kanya ito ay art.
Mahilig sa movies lalo na suspense
Kahit kadiri at walang sense.
Paborito nyang suot ay jacket kahit mainit
Hindi huhubarin kahit pawis-pawis at naglalagkit.
Ngayong sya ay lilipat na ng ibang opisina
Siguradong mamimiss sa tuwi tuwina.
Kahit masungit at maangas minsan
Mabait at mapagkakatiwalaang kaibigan naman.
Kaya tanging dasal sa maykapal
Masaya at mahabang buhay sa kanya at kanyang mga mahal.
|
|
Posted by Shobe on 2009-04-30 03:40:10 | Rating: | Views: 1339
|
|
| |
|
|