| Sa Huli, Ako Pa Din Ang Mali |
|
Marahil ay tama sila...Mali ang magselos, lalo naman kung wala kang matibay na batayan para magselos....lalo na kung pakiramdam lang at pagdudududa. Ang pakiramdam ko lang naman ay lagi syang naghahanap ng butas. Ang pakiramdam ko lang naman ay lagi na lang nila idinidiin na mali ako at mahina. Lagi na lamang ako ang mali at ako ang masama.
Sa bagay, bilang kaibigan, gusto nila na tama ang ginagawa ko. Hindi pwedeng lagi ako ang biktima. Pero kung paano kung nakakainis na kung minsan.?Paano kung may basehan naman pala ang mga nararamadaman ko? Sa huli, ako pa rin ang nakokonsiyensya sa nangyayari.
|